Nanginginig at maluha-luha ang 75-anyos na si Lolo Jose matapos siyang holdapin ng dalawang lalaki at kunin ang P800 na kinita niya sa buong araw na paglalako ng tahong sa Baseco, Manila. Samantala, ang 97-anyos na si Lola Rose, matiyagang nagbebenta sa samu’t saring abubot sa bangketa ng Maynila makaraos lang araw-araw. Sa kabila ng kanilang kantandaan at mga iniindang karamdaman, wala pa rin silang plano magretiro. Gaano nga ba kahirap tumanda sa Pilipinas?
Samantala, sa kahabaan ng Marikina-Rizal-Laguna at Quezon o Marilaque Highway, isang kurbadong daan ang kinatatakutan daw ng mga rider o motorista na dumarayo sa lugar. Dito raw kasi madalas mangyari ang mga aksidente kung saan ilang rider na ang binawian ng buhay. Sa patuloy na pagtaas na bilang ng mga aksidente sa lugar na ito, ano nga ba ang ginagawang hakbang ng pamahalaan para mabantayan at maiwasan ang ganitong uri ng insidente sa tinaguriang Devil’s Corner?
Panoorin ang buong kuwento sa video na ito.